in

Stars ng ‘Legal Wives,’ sumabak na sa look test!

Sumalang na sa look test ang cast members ng inaabangang bigating Kapuso teleserye na ‘Legal Wives.’

Ang cultural drama series, na isa sa mga pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group, ay pagbibidahan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo kung saan makakapareha niya ang naggagandahang aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Ang natatanging serye ay iikot sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).

Nauna nang sumabak sina Dennis at Bianca sa look test at sumailalim na rin dito ang mga beteranong aktor na sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap bilang mga magulang ni Ishmael na sina Zaina at Hasheeb.

Abangan din sa Legal Wives ang young and promising Kapuso stars at produkto ng StarStruck na sina Shayne Sava at Adbul Raman. Makakasama rin sina Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.

Paano nga ba mapapanatili na payapa ni Ishmael ang kanyang buhay may-asawa? Ano ang kaya niyang isakripisyo upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya?

Abangan ‘yan at ang mga pagsubok na haharapin ni Ishmael dulot ng pagkakaiba ng lahi, kultura, at tradisyon sa Legal Wives, soon on GMA Telebabad! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paboritong GMA News TV shows, balik fresh eps na

Awiting ‘Sana Ngayong Pasko,’ ibinabalik ni Lian Kyla