in

Running Man at Music Bank, mapapanood na rin sa GMA News TV! 

Good news para sa mga fan ng Hallypop channel ng Kapuso Network dahil simula ngayong Sabado, Nobyembre 7, ay magkakaroon na ng simulcast airing ang ilan sa mga patok nilang programa sa GMA News TV.
 
Maging updated sa Asian pop culture sa pagtutok sa mga dekalidad at kaabang-abang na mga programa hatid ng GMA katuwang ang Jungo TV.
 
Tunghayan ang mga exciting at nakatutuwang episodes sa hit Korean show na ‘Running Man’ kung saan sasabak ang mga guests at sikat na celebrities sa iba’t ibang entertaining missions at games kasama ang cast members at hosts. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes at 5:00PM, tuwing Sabado at 4:00pm at 3:00 PM kada Linggo.
 
Tiyak na papatok din sa music lovers ang mga nakahandang world-class performances sa programang ‘Music Bank’ na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 PM!
 
Huwag magpapahuli sa Hallypop wave at panoorin ang iba pa nilang content offerings na available 24/7 sa Hallypop channel sa GMA Affordabox at iba pang digital TV receivers. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gil Cuerva, excited na sa fresh episodes ng ‘Taste Buddies’

20th Anniversary ng MYX, ipinagdiriwang ngayong buwan