Ngayong Sabado (November 7), muling mapapanood sa ‘Magpakailanman’ ang kuwento ng apat na mangingisdang beki sa Navotas.
Sila ay sina Michael, Walen, Rolly, at Yuri na dumanas ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon sa trabaho dahil sa kanilang kasarian. Bukod dito, may kanya-kanya rin silang mabibigat na problema sa buhay.
Pero lahat sila ay handang baguhin ang paniniwala ng lahat, basagin ang diskriminasyon, homophobia, at ang stigma sa mga trabahong panlalaki.
Tampok sa episode sina Jak Roberto, Dave Bornea, Raphael Robes, at Mela Habijin.
Kilalanin silang apat sa “Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot” na mula sa direksyon ni Zig Dulay ngayong Sabado pagkatapos ng The Clash sa GMA-7.