in

Cast ng ‘Love of my Life,’ naghahanda na para sa lock-in taping

Puspusan na ang paghahanda ng cast ng ‘Love of My Life’ para sa nalalapit na 22-day lock-in taping ng serye lalo pa at karamihan sa kanila ay first time sasabak sa bagong taping protocols.

Dahil mahaba-haba ang magiging lock-in taping nila, ngayon pa lang ay masinsinan nang pinaghahandaan nina Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos, at Mikael Daez ang kanilang mga dapat dalhin sa set.  
 
“Minsan iniisip mo, ‘Kailangan ko ba talagang dalhin ito?’, ‘Baka hanapin ko kapag nandu’n ako,’ mga ganu’n tsaka ‘yung mga pagkain,” lahad ni Coney.
 
Sey ni Mikael ay iniiwasan niya ang magdala ng maraming gamit, “As much as possible dahil work trip ‘to I’d like to avoid that. Mahirap kung kulangin ng underwear mga gano’n. Essentials like that sana hindi ko na isipin.”
 
Samantala, dahil nakaranas na si Rhian ng lock-in taping sa drama anthology na ‘I Can See You: Truly. Madly. Deadly.’ ay natutunan daw niyang magdala ng mahahalagang bagay kagaya ng mini washing machine.  
 
“I guess ‘yung mga smaller thing, ‘yung mga intimate things like that, you don’t want them to wash doon sa labas,” aniya.
 
Dahil limited ang bilang ng tao sa set ay naisipan naman ni Carla na magdala ng portable cooker, “It’s a travel cooker. At least anytime, magutom man, or if anybody wants food, may maliit ako na packable lang siyang cooker.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘My Korean Jagiya,’ mapapanood na ulit sa primetime!

Carmina Villarroel, ibinahagi ang kanyang skincare routine