in

Carmina Villarroel, ibinahagi ang kanyang skincare routine

Ano nga ba ang sikreto ni Kapuso star Carmina Villarroel sa kanyang healthy and youthful skin?

Sa kanyang recent YouTube vlog, ibinahagi ng Sarap ‘Di Ba? host ang steps para sa kanyang skin care routine at ang kahalagahan ng pag-check ng skin type bago mamili ng products.
 
Aniya, “You have to know your skin type first. Kayo po ba ay dry skin, oily skin, sensitive skin, you have to know. And then ‘pag nalaman niyo na, that’s the time you buy your products.”
 
Mainam din daw na bumili muna ng products sa maliit na size o kaya ay humingi ng sample para i-test ang produkto.
 
Bago maglagay ng skincare products, payo ni Carmina na siguraduhing malinis ang mukha, “Before I put anything on my face, I make sure na malinis po siya.”

Gumagamit rin daw siya ng makeup remover wipes bago siya mag-facial wash. Ilan pa sa must-haves ni Carmina ang eye cream and lip balm na dala raw niya lagi sa set.
 
Samantala, napapanood si Carmina sa Saturday morning talk show na ‘Sarap, ‘Di Ba?’ kung saan kasama niya ang kanyang twins na sina Mavy at Cassy at asawang si Zoren Legaspi. Abangan din si Carmina sa upcoming drama series na ‘Babawiin Ko Ang Lahat’ sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Cast ng ‘Love of my Life,’ naghahanda na para sa lock-in taping

Mga mangingisdang beki, tampok sa #MPK ngayong Sabado