in

‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ stars, nag-share ng lock-in taping experience

Matapos ang mahigit kalahating taon, balik-trabaho na ang stars ng GMA Afternoon Prime series na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ simula noong nakaraang buwan.  

Bukod sa mahigpit na pagsunod sa health at safety protocols sa set, masayang ibinahagi ng cast ang kanilang mga karanasan sa pagte-taping sa ilalim ng new normal.
 
“Ang dami-dami kong baong pagkain. Because may mga bagay na hindi ko kinakain tulad ng baboy tsaka ng beef. Nagbaon na lang ako panigurado tsaka mga de lata,” ani Mylene Dizon.
 
Na-challenge raw si Yasser Marta na muling umarte matapos ang ilang buwang pahinga, “For me, ‘yung challenges ‘yun lang talaga sa scene na kinukuhanan kasi napakabigat nu’ng mga characters. Siyempre ‘yung cast din napakagaling.”
 
Excited naman si Ina Feleo na muling makita at makatrabaho ang kanyang co-stars, “Mayroong excitement talaga bukod sa kaba dahil siyempre kailangan ng extra ingat ngayon. Ako personally, nae-excite ako talagang makita sila ulit.”
 
Abangan ang nalalapit na pagbabalik-telebisyon ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ sa GMA-7.
 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Toni Gonzaga, tinanggap ang hamon ni Kuya na maging host ng ‘PBB Connect’

Kokoy de Santos, malilito ang puso kina Barbie Imperial at Alex Diaz sa ‘Oh, Mando’ ng iWant TFC