Matagumpay ang naging pagpasok ng award-winning hosts na sina Charo Santos at Boy Abunda sa kakalunsad na “Dear Charo” at “The Best Talk,” mga programang umani ng pinakamaraming viewers sa FYE sa Pinoy livestreaming app na Kumu para sa buwan ng Oktubre.
Pinasalamatan ni Charo ang mga nanood ng premiere episode ng “Dear Charo” noong Lunes (Oktubre 26) na nakatanggap ng 384K likes, kung saan naging panauhin sina Kim Chiu at Bro. Eddie Villanueva.
Kasama niya rito ang co-host na si Robert Labayen, ang Creative Communications Management head ng ABS-CBN na nasa likod ng Kapamilya Christmas station IDs tulad ng “Bro, Ikaw ang Star ng Pasko.”
Samantala, patok din sa netizens ang bagong programa ni Boy na “The Best Talk,” na umani ng mahigit sa 540K likes sa unang episode nito noong Sabado (Oktubre 24) tampok ang kanyang mga bisita na sina Ai-Ai delas Alas at Kisses Delavin.
Inalay naman ng King of Talk ang kanyang Virtual Gift earnings mula sa programa sa kawanggawa. Nakatakda niyang i-donate ang nalikom na virtual gift earnings mula sa unang episode sa Bakwit, isang foundation na nagpapalaganap ng karapatan at kapakanan ng mga batang Pinoy.
Nakibahagi rin sa pagwelcome sa batikang host ang FYE livestreamers na sina Bianca Gonzalez, Ces Drilon, Macoy Dubs, at MJ Felipe.
Ang “Dear Charo” at “The Best Talk” ang dalawa sa pinakabagong shows sa FYE, na isa sa handog ng ABS-CBN sa Kumu. Mapapanood sa FYE ang iba’t ibang livestream araw-araw, tampok ang mga kwentuhan, usaping fashion at beauty, song requests, games, at comedy shows mula sa ABS-CBN Books, ANCX, Cinema One, Jeepney TV, Metro, MYX, at Rise Artists Studio.
Panoorin ang “The Best Talk” ngayong Sabado (October 31), 9pm kasama ang mga panauhin na sina Jayda, Darren Espanto, at Ryan Bang, at abangan ang “Dear Charo” sa Lunes (Nobyembre 2), 8pm kasama ang special guest na si Piolo Pascual. Magdownload na ng Kumu app at sundan ang FYE Channel (@fyechannel). Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.