in

Willie Revillame, napaiyak nang dalawin ang original ‘Wowowin’ studio

Hindi napigilan ng Wowowin host na si Willie Revillame ang mapaluha at maging emosyonal nang bisitahin niya kamakailan ang dati nilang studio sa GMA Network compound. Kuwento niya sa nakaraang episode ng show, nakaka-miss ang saya na nabibigay ng live audience. 
 

“‘Pag pasok ko doon medyo maluha-luha ako. Alam niyo bakit? Kasi pagpasok ko, bakante, bakante ‘yung studio. Tahimik. ‘Yung mga ilaw walang kinang… ‘yung LED walang ilaw. ‘Yung mga speaker, walang tunog. ‘Yung mikropono ko, wala doon, lahat. Nami-miss ko na kayong lahat. Nami-miss na namin ‘yung sumisigaw ‘pag naka-‘handa na ba kayo?’ Nami-miss naming lahat ‘yan. Pero ganun pa man ho, kahit na wala kaming kasama sa studio, tuluy-tuloy pa rin po ang programang Wowowin para sa inyong lahat.”
 
Isang magandang sorpresa naman ang nag-aabang sa loyal viewers ng Wowowin dahil inanunsyo ni Willie na babalik na sila sa original studio simula Nobyembre. Tuwing Biyernes ay magkakaroon na sila ng live show at ibabalik na rin ni Kuya Wil ang segment na ‘Insta Jam.’ 
 
Mapapanood ang ‘Wowowin’ mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.  
 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

The Company, kanta para sa mga sawi sa pag-ibig ang bagong single na ‘Sumakabilang Puso’

Charo Santos at Boy Abunda, patok ang pagpasok sa livestreaming sa ‘Dear Charo’ at ‘The Best Talk’