in

Grae Fernandez at Kira Balinger, mang-aagaw eksena sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’

Mas iinit pa ang mga tagpo sa ng kapanapanabik na bagong kabanata ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa mga darating na linggo dahil sa pagpasok ng up and coming stars na sina Grae Fernandez at Kira Balinger.

Huling napanood si Grae Fernandez sa fanta-seryeng “Starla” samantala si Kira naman ay nakasama sa drama serye na “Pamilya Ko.”

Maituturing na reunion project ng dalawa ito matapos silang magsama sa sitcom na “Funny Ka Pare Ko” at iWant series na ‘Spirits Reawaken” ngunit ito ang unang pagkakataon nilang magtatambal sa isang teleserye.

Abangan kung sino sila sa buhay nina Marissa (Jodi Sta. Maria), Ellice (Iza Calzado), at Gabriel (Sam Milby). Magbago kaya ang turingan ng dating magkaibigang Ellice at Marissa o mas gugulo pa ang kanilang buhay dahil sa dalawang ito?

Huwag kalimutang sundan ang walang tigil na madramang mga tagpo sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa A2Z channel sa bagong episodes nito gabi-gabi.

Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa. Patuloy pa rin itong mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Zoren Legaspi, inihatid sa lock-in taping ng mga anak

‘All-Out Sundays,’ may engrandeng selebrasyon ngayong Linggo