in

‘It’s Showtime’ hosts, kakaibang Magpasikat Performances ang handog para sa ika-11 anibersaryo

Mas matibay ang samahan ng “It’s Showtime” sa mga manonood kaya naman espesyal na Magpasikat performances ang ihahanda ng hosts bilang regalo sa ika-11 nitong anibersaryo ngayong linggo.

Magaganap na sa Sabado (Oktubre 31) ang inaabangang taunang Magpasikat competition tampok ang sari-saring pasabog ng apat na teams kabilang na ang pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda at ang first timer na si Kim Chiu, samantalang magkakagrupo naman sina Vhong Navarro, Amy Perez, at Jackie Gonzaga.

Magiging magkakampi namang muli sina Karylle at Jhong Hilario kasama si Ion Perez, at tatak-Jugs and Teddy rin ang handog na performance ng tandem kasama si Ryan Bang.

Bagama’t limitado ang mga pasabog nila dahil sa kasalukuyang quarantine, tiniyak ng buong “It’s Showtime” family na maaaliw ang madlang people sa ihahain nilang performances.

“Kahit mahirap ang kondisyones, mahirap mag-perform ngayon kasi may mga safety protocol tayong susundin. Limitado ang budget at tao kasi hindi tayo masyadong pwedeng mag-aksaya. We will still try to deliver a good form of entertainment. Serbisyo sa pamamagitan ng entertainment – ibibigay po namin sa inyo ‘yan,” pahayag ni Vice.

Dahil “Eleven Up Ang Samahan” ang tema ng selebrasyon, espesyal ang “Mas Testing” segment ngayong linggo dahil pagkatapos sumalang sa hulaan at tumpakan ni Kim noong Miyerkules (Oktubre 28), ang pinakahihintay namang si Vice ang pipiliting makahula nang tama ngayong Biyernes (Oktubre 30).

Bukod din sa bonggang appearance ni Anne Curtis, patuloy na magbibigay ng aliw at cash prizes ang show ngayong linggo sa mapapalad na online viewers sa segments na “Mas Testing,” “Name It To Win It,” at “Hide and Sing.”

“Sa bawat tawa at ngiti na sinusukli ninyo, labis labis ang tuwa sa aming mga puso. Mula noong nagsimula tayo nung 2009 hanggang ngayon, araw-araw ito, wala nang makakapigil sa samahan natin. Solid ‘to,” pahayag ni Vhong.

Subaybayan ang “Eleven Up ang Saya” celebration ng “It’s Showtime” ngayong linggo at ang Magpasikat performances ngayong Sabado sa A2Z channel 11 analog TV, na available sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood din ito sa ng cable at satellite TV providers sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), pati na sa Kapamilya Online Live sa YouTube Channel (youtube.com/abscbnentertainment) at Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork) ng ABS-CBN Entertainment o sa iWant TFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito ng viewers sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like ang facebook.com/ItsShowtimeNa.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, excited na sa kanilang bagong proyekto sa GMA Network

Mikael Daez, ikinuwento kung paano nanakawan sa dating condo