in

Super Tekla, nakabawi na sa isyu laban sa live-in partner

Lumalabas ngang walang basehan ang mga akusasyon laban kay Tekla ng dating kinakasamang si Michelle Lhor Bana-ag. 

Kaugnay nito ay tinapos na rin ng broadcaster na si Raffy Tulfo ang pagtulong kay Michelle dahil pinagdududahan niyang may itinatago ito matapos nitong umatras sa napagkasunduang drug test. Dahil din dito, nagsalita pa ang nasabing broadcaster na tutulungan niya si Tekla na makuha ang kustodiya ng kanilang anak.

Magandang balita ito para kay Tekla na lubhang naapektuhan ng kinaharap na isyu. Hindi rin matatawaran ang suportang ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan at iba pang kasamahan sa showbiz. Marami ring netizens ang sumimpatiya kay Tekla sa kasagsagan ng kaniyang problema.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, ginawaran ng Lifetime Achievement Award sa Asia Contents Awards

Inspirasyon ni Heart Evangelista sa ‘Breathe You,’ alamin