in

Dyan Castillejo, patuloy na ibinabandera ang Sports at Kalusugan sa ‘Sports & U’

Walang makapipigil sa premyadong host at sports anchor na si Dyan Castillejo sa pagtataguyod ng sports at healthy living sa mga Pilipino sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 sa “Sports & U with Dyan: Kasali Ka Rito” na mapapanood sa Facebook.

Ipagpapatuloy ni Dyan ang kanyang misyon na magbigay inspirasyon sa mga Pilipino sa pagtampok ng mga kwento ng mga atleta at kilalang personalidad ng bansa sa kanyang bagong digital show. Mahigit dalawang dekada na itong ginagawa ni Dyan, na host ng mga dating programang “Sports Unlimited” at “Sports U: Ikaw Ang Panalo” sa telebisyon.

Ayon kay Dyan, noong mawala sa ere ang ABS-CBN, maraming viewers ang naghanap sa kanyang programa. Ito raw ang nagudyok kanya na ipagpatuloy ang show dahil marami pa rin ang gustong malaman ang buhay ng mga atletang Pinoy sa labas ng paglalaro nila sa court.

“Sa tingin ko malaki ang naging papel ng ABS-CBN S+A at ‘Sports U’ para mas makilala ang larangan ng sports sa bansa. Nagbigay din ito ng inspirasyon sa kabataan na sumabak sa sports dahil nasilayan nila sa show ang karanasan ng ating mga atleta para makamit ang tagumpay. Malaking tulong talaga. Sana mapagpatuloy ko sa ‘Sports & U with Dyan: Kasali Ka Rito.’

Bukod sa mga atleta, tampok din sa “Sports & U” ang mga celebrities tulad ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina, na ibinunyag ang kanyang fitness regimen sa gitna ng pandemya sa “Dyanfit.” Para sa mga tagasubaybay ng reports ni Dyan tungkol sa Miss U pageant sa “TV Patrol,” maaring mapanood ang preliminary at coronation nights ng pageant sa KTX.ph.

Nabida na rin ni Dyan ang sumisikat na junior tennis player na si Alex Eala na nagbahagi ng kanyang karanasan ngayong nakakamit na niya ang kanyang pangarap. Pati rin ang volleyball superstar na si Jaja Santiago, natsika na ni Dyan tungkol sa buhay niya bilang nagbabalik na volleyball import sa V. League ng Japan.

Sa naging pilot episode naman, nakita ng viewers ang ginagawang preparasyon ng Filipino Olympians na sina Caloy Yulo, EJ Obiena, at Irish Magno. Nakapanayam din ni Dyan via Zoom si “The Beast” Calvin Abueva tungkol sa mga aral na napulot niya bilang PBA player. Sa darating na Huwebes, ang hardcourt heartthrob naman ng UP Fighting Maroons na si Ricci Rivero ang makakausap ni Dyan.

Dapat ding abangan ng viewers sa iba pang episodes sina Ricci Rivero, Beau Belga, Thirdy Ravena, at Sarah Lahbati na may handog na fitness tips.

Kahit may banta pa rin ng COVID-19, hindi nawawalan ng pag-asa si Dyan na makakabangon muli ang mundo ng sports sa bansa tulad nalang kung paano nakatayo muli ang “Sports & U with Dyan: Kasali Ka Rito” na patuloy na naglilingkod sa bawat Pilipinong sports fan sa gitna ng pandemya.

Patuloy na sundan ang kwento ng inyong paboritong mga atleta sa “Sports & U with Dyan: Kasali Ka Rito” sa Facebook. Pinapalabas ang bagong episodes tuwing Huwebes, 7 pm. Para sa karagdagang balita, i-follow ang kanilang Facebook page (@SportsAndUofficial).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Angela Alarcon, pangarap gumanap ng isang action role

‘Drive-in Cinema One’ may hatid na libreng palabas ngayong Halloween Weekend