Sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan event, pinagbigyan ng bagong Kapuso actor na si Khalil Ramos ang request ng kaniyang fans na isang live song cover ng Rivermaya ballad na “214.”
Ibinahagi rin niya kung paano siya nahilig sa pagkanta sa tulong ni Jay Glorioso ng UP Diliman College of Music. “Actually, bata pa ako nun, I think mga 11 [or] 12 years old. Dun ako nagsimulang magkaroon ng proper training sa pagkanta. Si Jay, actually, ay using theater actor. So, napapanood po siya sa mga musical Broadway shows, sa mga theater shows dito sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga importanteng tao sa buhay ko dahil siya ang nakapagturo sa akin kung paano ko maabot ‘yong potensyal ko bilang isang mang-aawit.”
Kasalukuyang napapanood si Khalil sa weekend variety show ng GMA na “All-Out Sundays” tuwing Linggo, 12PM.