in

Aicelle Santos: “Tuluy-tuloy lang!”

Sa pamamagitan ng animated music video ng kanyang 2016 track na “Tuloy Tuloy Lang,” muling pinaalalahanan ni Aicelle Santos na magpakatatag at huwag mawalan ng pag-asa ang kanyang mga kababayan sa kabila ng mga pagsubok sa buhay. 

Ayon sa Kapuso singer, “Still listening to this song I recorded in 2016 (Liwanag album) to find courage and strength, to fight and be reminded that whatever life throws at us, tuluy-tuloy lang! Because we have a GOD so much bigger and powerful than the hardships we are going through.”

Sa panulat ni Kiko Salazar, maririnig sa kantang ito ang mga linyang “Diba’t ganyan ang buhay paiba-iba ng kulay, Ikaw na rin ang siyang patunay… Tuloy Tuloy…” na nawa’y makapagpaalala sa mga Pilipino na malalagpasan natin ang kinahaharap na krisis. 

Mapapanood ang official music video ng “Tuloy Tuloy Lang” sa YouTube channel ni Aicelle. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boy Abunda, dadalhin ang “The Best Talk” online sa FYE Channel

Cassy Legaspi, masinop sa pera