As expected, majority sa national winners para sa news at documentary categories ng Asian Academy Creative Awards 2020 ay mula sa GMA News and Public Affairs. Ang mga ito ang kakatawan sa Pilipinas sa Grand Awards and Gala Final ngayong Disyembre.
Nangunguna sa listahan ang GMA news pillar na si Jessica Soho na nanalo bilang Best News Anchor para sa 24 Oras. Matatandaang nag pinch hit si Jessica para sa Kapuso newscast noong kasagsagan ng enhanced community quarantine. Panalo rin ang kanyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho bilang Best Infotainment Program para sa Denmark Special episode. Wagi rin ang “Lakad sa EDSA” news report ni Raffy Tima para sa 24 Oras bilang Best Single News Story.
Kinilala namang Best Documentary Program (One-off) ang “COVID-19: Nang Tumigil ang Mundo” ng The Atom Araullo Specials. Ang online docu feature ng Reel Time Exclusives (RTx) na “Ang Huling Saklolo ni Marcelo” ang nag-uwi ng Best Short Form Content award. At sa ikalawang sunod na taon, si Drew Arellano ang Best Lifestyle Host para sa Biyahe ni Drew episode na “Drew Hits the Road: Taiwan’s Secrets to Long Life”.
Ibang klase talaga ang GMA News and Public Affairs, kaya naman pag sinabing balita at dokyu, top of mind ang Kapuso network dito. Congratulations, GMA News and Public Affairs! Good luck sa Grand Awards night sa Disyembre.