in

Sanya Lopez, honored na mapili bilang First Yaya  

Kumpirmadong si Sanya Lopez na nga ang gaganap bilang si Yaya Melody sa upcoming Kapuso series na ‘First Yaya’.

Sa naganap na online interview ng aktres recently, ibinahagi ng GMA senior program manager na si Ali Dedicatoria na nang kinailangan humanap ng bagong aktres para sa title role na ‘First Yaya,’ nagkasundo ang buong production team na ibigay ito kay Sanya. 

Aniya, “Unanimous actually ‘yung pick namin na si Sanya yung bagay for the role. Nakita naman namin siya doon sa Haplos, sa Cain at Abel, at siyempre sa Encantadia. So we think na babagay siya doon sa role… Unanimous ang decision ng GMA na Sanya is fit for the role. Wala kaming second choice for her.”

Sumang-ayon naman ang director ng serye na si LA Madridejos. Pagbabahagi niya, “Nakita namin ‘yung progression kung paanong nagre-respond si Sanya sa challenges na binibigay sa kanya at ina-acknowledge po ng mga audience na naging fans niya. Nakita namin ‘yun, and naisip namin na bagay na bagay sa character niya, sa personality niya si Yaya Melody.”

Tuwang-tuwa naman si Sanya nang malaman ang naging desisyon ng production team, “First time ko pong narinig ‘yung wala silang second choice. Kumbaga parang nakakakilig kasi parang pakiramdam mo na sobra ‘yung tiwala nilang ibinigay sa’yo…  Kaya I’m very happy. Thank you, direk. Thank you po, Ms. Ali at sa buong production po. Thank you so much!”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Miss Universe PH 2020 Preliminary at Coronation Night, Mapapnood Sa KTX.PH

Ultimate ‘Bida Star,’ nahanap na ng ABS-CBN Star Hunt