Malapit nang makilala ang susunod sa yapak ni Gazini Ganados bilang susunod na kakatawan sa Pilipinas sa darating na Miss Universe dahil darating na ang Miss Universe Philippines preliminary and coronation nights sa October 23 at 25.
Siguradong gagawa ng ingay online ang darating na pagtatanghal ng Miss Universe Philippines 2020 dahil mapapanood ng pageant fans ang preliminary at coronation nights nito nang live at walang tigil sa KTX.PH, ang bagong digital events platform na naghahandog ng exciting online experiences.
Bibida ang 51 na kandidata sa kani-kanilang swimsuit at evening gown sa preliminary night sa Oktubre 23 (Biyernes). Matapos nito, magkikitang muli ang mga kandidata sa grand coronation night sa Oktubre 25 (Sunday).
Ang bawat event ay mapapanood sa halagang P99 each, pero may chance ang mga fans makipag-usap sa isa’t isa at magbahagi ng kanilang mga opinyon sa kani-kanilang pambato dahil may chat feature ang panonood ng dalawang gabi. Mahahanap ba nating muli ang mag-uuwi ng korona ng Miss Universe?
Ilan sa mga naging matagumpay na KTX.ph offerings ay ang Jed Madela’s “New Normal,” JaMill’s “Tayo Hanggang Dulo,” K Brosas’ “20k20,” “Hello Stranger: Finale Fancon,” “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience,” at iba pang special exclusive events.
Abangan ang iba pang exciting experiences mula KTX.PH.