in

Eugene Domingo at Tom Rodriguez, bibida sa bagong episode ng ‘Dear Uge’

Isang nakakakilig at nakakatuwang kuwento ang mapapanood ngayong Linggo (October 18) sa ‘Dear Uge Presents: Read My Heart.’

Tampok sa fresh episode ng drama anthology ang tambalan nina Eugene Domingo at Tom Rodriguez.

Pangarap ni Lalai (Eugene) na makapagtapos ng pag-aaral ang nakababata niyang kapatid na si Cora upang maitaguyod niya ang kanilang pamilya. Sa kabutihang palad ay naging successful naman si Cora at nakapag-asawa ng foreigner sa USA. 

Pero isang araw ay namatay bigla ang asawa ni Cora kaya naisipan ni Lalai na puntahan ang kanyang kapatid. Dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Lalai, humingi ito ng tulong sa English tutor na si Elmer (Tom) para paghandaan ang kanyang US Visa application. May matutunan kaya sila sa isa’t isa?

Tutukan ‘yan sa ‘Dear Uge Presents: Read My Heart’ tampok ang tambalan nina Eugene at Tom. Kasama rin sa cast si Archie Alemania. Mapapanood ang episode na ito ngayong Linggo, 2:45PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ultimate ‘Bida Star,’ nahanap na ng ABS-CBN Star Hunt

Raymund Marasigan, magtuturo ng Music Production sa second leg ng ‘Myx Musiclass’