Para sa Kapuso actor na si Tom Rodriguez, mahalaga na kilalanin nang mabuti ang partner para mapanatili ang “spark” sa isang relasyon. Aniya, “Siguro huwag tayo magiging kampante o masyadong pamilyar sa mga katuwang natin sa buhay. Lagi nating tandaan kung bakit ba natin sila minahal. Mas lalo pa natin silang kilalanin at mas lalo pa natin silang pahalagahan.”

Dagdag ni Tom, importante rin ang komunikasyon, “Kailangan talaga ang komunikasyon at ‘yung mga panibagong paraan para makilala pa lalo ang isa’t isa at mapanatili ang spark o apoy na ‘yon.”
Napapanood si Tom sa “I Can See You: High-Rise Lovers” tuwing 9:15 p.m.hanggang October 16 sa GMA Telebabad.