in

Gabby Eigenmann, naghahanda na para sa ‘Bilangin ang Bituin Sa Langit’

Ibinahagi ng batikang aktor na si Gabby Eigenmann ang ginagawa niyang paghahanda para sa nalalapit na lock-in taping ng pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit.’  

Bukod daw sa pag-eehersisyo, kinailangan din daw ni Gabby na muling patubuin ang kanyang balbas para sa karakter ni Arthur Zulueta, ang boss ng karakter ni Mylene Dizon na si Nolie.

Inihahanda na rin daw ni Gabby ang kanyang sarili emotionally dahil matagal-tagal din siyang mawawalay sa kanyang pamilya para sa lock-in taping, “Emotionally, I have to prepare myself also kasi nga, matagal akong mawawala sa bahay so mami-miss ko ang kasama ko rito.”

Pagku-kuwento pa ni Gabby, expected na rin naman daw ng kanyang apat na anak na darating ang panahon na kailangan niyang bumalik sa pagte-taping, “Ready naman sila in a way pero physically, dahil wala nga ako, sana masanay sila nang kaunti kasi buong six months, magkakasama kami.” 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dawn Chang, may hugot sa utang ng ex-jowang siya ang nagbayad

Jeremy Glinoga, may handog ‘Ngayong Pasko’