Isang nakakakilig na chikahan ang hatid ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa Mars Pa More ngayong Biyernes (October 9).
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/10/Mikael-Daez-at-Megan-Young-may-dalang-good-vibes-sa-‘Mars-Pa-More’-820x1024.jpg)
Susubukan ni Megan ang ‘Blindfold Outfit Challenge’ kung saan pipili siya ng mga damit na isusuot habang naka-blindfold!
Iku-kuwento rin nina Mikael at Megan ang kanilang relationship gamit ang ilang bagay na naging saksi sa kanilang pag-iibigan.
Tutukan ang isa na namang masayang chikahan kasama ang hosts na sina Camille Prats at Iya Villania sa fresh episode ng ‘Mars Pa More’, 8:45AM, sa Kapuso Network!