in

Glaiza de Castro, maraming natutunan sa paninirahan sa Baler  

Ibinahagi ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang mga natutunan niya nang manirahan siya sa Baler simula Marso.

Kahit pa malayo sa kanyang nakasanayang city life, super enjoy at marami raw realizations si Glaiza sa kanyang buhay-probinsya kasama ang pamilya.

Isa sa bagong hobby ng aktres ang surfing na malaki raw ang naitutulong hindi lang sa kanyang page-ehersisyo pati na rin sa kanyang mental health, “Hindi lang kami nakakapag-ehersisyo kundi nababawasan din kahit paano ang anxiety at depresyon dulot ng pandemya.”

Nagpapasalamat din si Glaiza sa mga nakakasabay niyang locals na nagturo sa kanya ng surfing tips at kahalagahan ng pagrespeto sa karagatan.

Aniya, “Pero una ko talagang natutunan dito ay ang respeto. Respeto sa dagat at sa mga nasa dagat. Kaya sa lahat po ng nga nakakasabay ko na locals, salamat sa mga tips niyo, di ko man alam mga pangalan ng iba sa inyo; at syempre sa mga naging regular ko nang kasama, salamat sa inspirasyon.”

Samantala, mapapanood si Glaiza at ilan pang bigating Kapuso stars sa star-studded episode ng ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (October 11), sa mas pinahaba nitong oras 12:00PM-1:45PM, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikael Daez at Megan Young, may dalang good vibes sa ‘Mars Pa More’

Hannah Precillas, ramdam ang suporta ng Indonesian fans