in

Gabbi Garcia, versatile, blooming at in-love!

May pandemic man, hindi ito naging hadlang para makatanggap ng sunud-sunod na blessings sa career at personal na buhay ang Kapuso Global Endorser na si Gabbi Garcia. 

#Blessed talaga ang aktres dahil bukod sa endorsements na nakukuha ay lalong tumatatag ang kanyang relationship with Khalil Ramos. Kitang-kita rin na blooming ang ‘All-Out Sundays’ star sa kaniyang mga photos at YouTube vlogs.

Kamakailan lang din ay ipinamalas niya ang husay sa pagiging isang licensed scuba diver sa naging date nila ni Khalil sa Batangas. Dito, tinuruan niya ang nobyo sa basics ng pagda-dive kasama ang ilan pang mga kaibigan.

Samantala, patuloy na napapanood si Gabbi sa weekend variety show na All-Out Sundays at sa rerun ng Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kanta ni Hannah Precillas, may lyric video na!

Batikang mamamahayag na si Henry Omaga-Diaz, kasama na sa ‘TV Patrol’