Ipinasilip ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang naganap na pictorial para sa kanyang 10th year showbiz anniversary celebration sa darating na December 8.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/10/Alden-Richards-may-pasilip-sa-kanyang-anniversary-celebration-576x1024.jpg)
Sa isang Instagram video ay ibinahagi ni Alden ang behind-the-scenes ng kanyang pictorial para rito, “Silip muna. Let’s experience it together on Dec 8. #AldensReality #AldenRoadtoTen”
And as expected, maraming fans ni Alden ang na-excite rito. Biro pa ng ilang followers niya, magli-leave na raw sila sa naturang date, “Mag file na ako ng vacation leave for Dec 8 ha.”
Samantala, maganda rin ang naging feedback ng viewers at netizens sa kakatapos lang na mini-series ni Alden na ‘I Can See You: Love On The Balcony’ kung saan nakatambal niya si Jasmine Curtis-Smith. Kahit pa isang linggo lang umere ang programa, maraming viewers ang natuwa sa magandang kwento, at mahusay na pagkakalatag ng mga eksena.