in

‘The Clash’ Panel, magiging mas mahigpit ngayong season?

All set na ang pagsisimula ng The Clash Season 3 bukas (October 3) at excited na rin na nagbabalik ang The Clash Panel na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas. 

Para sa judges, nakakapanibago ang experience ng taping under the new normal. Kuwento ni Christian, “Yung thoughts na pumasok sa akin, magiging extra nice ba ako kasi syempre we’re in a pandemic, lahat tayo may pinagdadaanan. So ang sabi ko sa sarili ko, maybe in the beginning I’ll be a little less serious pero I owe it to the show, to the past seasons to be stricter in the next challenge kasi we still want the best Clasher, the best contestant. Whether we’re in a pandemic or not, ‘yun talaga ‘yung nangyayari sa The Clash. It’s a difficult contest.”
 
Pagbabahagi naman ni Lani, “Pandemic man o hindi, I guess gagawin pa rin talaga namin ang dapat namin gawin. Ako kasi ‘yung tipong motherly na pinipilit kong sabihin sa kanila in a nicer way ‘yung comments at criticism.”
 
At para kay Aiai, “Ako pa rin ang nagpu-provide ng kalokohan… Pero most of the time, mabait din ako mag-judge pero pagdating sa gitna syempre kailangan na namin maghigpit talaga.”
 
Mapapanood na ang ‘The Clash Season 3’ tuwing Sabado (7:15 p.m.) at Linggo (7:45 p.m.) simula ngayong October 3 sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Game KNB?’ nagbabalik, mapapanood na sa Kumu at Jeepney TV

Kyline Alcantara, pina-wow ang netizens sa bagong song cover