in

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, nahirapan sa taping ng ‘The Clash?’

Ngayong Sabado (October 3) ay mapapanood na ang Season 3 ng original musical competition ng GMA Network na ‘The Clash’ at nagbabalik ang Clash Masters na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. 

Kuwento ni Rayver, naging swabe ang taping nila at bumilib siya sa production team. Aniya, “Sa umpisa  lang po nakakapanibago, pero kapag naka-start na ng taping and nakapa mo na ulit ‘yung trabaho, unti-unting bumabalik sa dati ‘yung flow. Para maitawid yung bawat episode, hindi naman naging ganun kahirap kasi tulungan lahat. Konti ‘yung manpower, pero in sync pa rin lahat. Actually sobrang nagagalingan ako sa The Clash production at sa buong team kasi nga ang swabe ng lahat.”

Para kay Julie Anne naman, sa ibang aspeto sila ng show nahirapan. “Production-wise, hindi kami masyadong nahirapan kasi alam naman na namin ‘yung flow ng show at breakdown ng sequences,” panimula niya. “Siguro yung hirap sa ibang aspect. Sa mismong contest proper, syempre nasa competition sila at mabigat sa feeling namin kapag may hindi nakapasok, ‘yun ‘yung naging mahirap.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paolo Contis, isinusulong ang pagkakaroon ng respeto sa social media

Rita Daniela at Ken Chan, may “techniques” para matulungan ang Clashers