Isang napapanahong fresh episode ang handog ng ‘’Magpakailanman’ ngayong Sabado, October 3.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/10/Shaira-Diaz-gaganap-bilang-nurse-sa-fresh-episode-ng-‘Magpakailanman.jpg)
Gaganap si Shaira Diaz bilang si Lorraine Pingol, isang nurse na nag-viral kamakailan matapos niyang tulungan ang isang babaeng nanganak sa kalsada.
Tampok din sa episode sina Yayo Aguila, Anthony Rosaldo, at Luis Hontiveros.
Mas kilalanin si Lorraine sa “Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story” ngayong Sabado nang gabi, 8:15 p.m. sa #MPK.