Mas nakilala ng kanyang fans ang pinakabagong Kapuso heartthrob na si John Vic De Guzman sa kanyang In The Limelight episode noong Lunes (September 28).
Looking forward si John Vic na mas hasain pa ang kanyang acting skills sa iba’t ibang larangan. Ngunit, kung siya raw ay tatanungin, dream role niyang gumanap bilang isang superhero.
Aniya, “I always wanted to try action, siyempre may kilig, drama, and at the same time, may superpowers. Medyo interesting and exciting ‘pag may superpowers kayo.”
Kuwento pa ng captain ng Philippine Men’s Volleyball Team, looking forward na rin siyang makatrabaho ang mga bigating Kapuso stars tulad nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Dennis Trillo, at Alden Richards.