Inabangan at tinutukan ng netizens at Kapuso viewers ang premiere ng “I Can See You: Love on the Balcony” kahapon, September 28.
Bumuhos ang tweets kung saan pinupuri ang chemistry nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith bilang sina Iñigo at Lea. Kaya naman hindi kataka-taka na nag-top trending ang pilot episode nationwide.
Sey ng netizens, nakakakilig ang mga eksena at nakaka-good vibes ang romcom na kuwento. Excited na rin sila para sa mga susunod pang episode kaya abangan ang “I Can See You: Love on the Balcony,” pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.