in

Barbie Forteza, sobrang na-miss umarte!

Na-miss daw talaga ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza ang pag-arte. 

“Actually, mayroon isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene siya, one of the many revelation scenes. Tapos maraming eksena din siya eh, tatlo o apat na eksenang magkakasunod, ‘four-hog’ ang tawag namin. After noon, kinausap ako ni Direk Mark (Dela Cruz), sabi niya ‘Beh, na-miss mo umarte noh?’ Kasi parang andami kong ginawa sa apat na eksenang ‘yon na wala naman talaga sa script. Pero ‘yon, nakakatuwa lang kasi na-miss ko ‘yung ganoon. ‘Yung talagang going with the flow of the scene, ‘yung madadala ka sa eksena,” kuwento ni Barbie sa interview ng GMANetwork.com.

Dagdag ni Barbie, “Parang nawala sa isip namin ‘yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa istorya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya.”

Maraming fans ni Barbie ang excited na sa pagpapatuloy ng kuwento ng  ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.’ 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, proud sa pagiging morena

Jak Roberto, may regalo para sa bagong bahay ni Sanya