Nagsimula nang mag-taping ang Kapuso show na The Clash para sa pinakabago nitong season.
![](https://phentertainment.net/wp-content/uploads/2020/09/The-Clash-mahigpit-na-ipinatupad-ang-safety-protocols-sa-taping.jpg)
Sa behind-the-scenes photos na ini-upload sa Facebook, makikitang mahigpit na ipinatupad ang safety protocols sa set. Bukod sa face mask at face shield, naka-PPE o personal protective equipment din ang mga cameraman at staff. Isa ring paraan ng pag-iingat ng programa ay ang pagdi-disinfect ng mga mikroponong ginagamit ng mga contestant.
Inaabangan na ang pagsisimula ng The Clash Season 3 ngayong Oktubre sa GMA-7.