- Kinumpirma ni Noli de Castro na siya ay mananatiling “Kapamilya forever”
- May mga fans na happy sa naging pahayag niya at napahayag din sila ng kanilang suporta para kay Noli.
- Ngunit mayroon namang ibang nais na itong umalis sa ABS-CBN network.
Nagkahiwa-hiwalay na ang mga Kapamilya workforce matapos ang forced shutdown ng main operation ng TV and Radio Broadcast ng ABS-CBN dahil sa pagbasura ng Kongreso ng application for franchise renewal.
Ngunit para sa batikang broadcast journalist na Noli de Castro sa isang kanyang radio show na “Kabayan” noong Wednesday, mananatili pa raw siyang Kapamilya at anchor ng “TV Patrol”.
“Ako po ang tunay na ‘Kapamilya forever,’” aniya niya.
Nagawang pa magbiro ni Noli at sinabing “Nagsimula ako dito nang magsimula ang ABS-CBN after ng martial law. Oh, martial law na naman at nandito pa rin ako — ay ‘di pala martial law ‘yun,”
Humirit rin siya na “Wala naman kasing forever,” para sa mga ibang Kapamilya na piniling umalis sa ABS-CBN at lumipat sa ibang network.
Mixed reactions naman ang nataggap nito sa social media mula sa Kapamilya fans. May mga fans na happy sa naging pahayag niya at napahayag din sila ng kanilang suporta para kay Noli.
Ngunit hindi lahat ng Kapamilya fans ay natuwa, mayroon namang iba na nais na itong umalis sa network.
Si “Kabayan” Noli de Castro ay nagsimula sa pagiging TV Patrol news anchor simula pa noong 1987 hanggang sa kasalukuyan. Siya rin ang ating 12th Vice President mula 2004 hanggang 2010 sa pamumuno ni Gloria Macapagal Arroyo.