in

EA Guzman, may clothing line na rin! 

Tuluy-tuloy na nga ang pagpasok ng Kapuso hunk na si EA Guzman sa mundo ng pagnenegosyo.  Bukod sa kanyang food business na Adobong Tuyo ni Mommy Sarrie, isang clothing line business naman ang malapit nang ilunsad ng Kapuso actor.

“Kapag nag-post ka ng OOTD sa social media mo, nakikita nila ‘yung shirts, kung paano ‘yung porma mo. Maraming nagtatanong na, ‘Saan mo nabili ‘yung shirt mo?’ So naisip ko bakit hindi ako magtayo o mag-business ng clothing line na ako mismo ‘yung pipili ng tela ng shirt, ako mismo ‘yung pipili ng design,” paliwanag ng aktor sa panayam ng 24 Oras. 

Ibinahagi rin ni EA na kahit wala raw siyang background sa business management, marami naman daw siyang natutunang business skills at strategies mula sa kanyang mga kaibigang negosyante.

May tip din siya sa mga nais magsimula ng negosyo ngayon. “Hangga’t maaga, gawin na natin. Kung gusto natin mag-business, gawin na natin. Kung susugal tayo, sugalan natin. Puso lang. Tiwala lang sa gusto mo mangyari, tiwala lang sa goal mo sa buhay,” lahad ni EA. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Andrea Torres, abala sa food business

Alden Richards, may surprise para sa fans