in

Carla Abellana, naghahanda na para sa pagbabalik-taping ng ‘Love of my Life’

Nalalapit na rin ang pagbabalik-taping ng Kapuso actress na si Carla Abellana. Sa interview ng 24 Oras, ibinahagi niya na naghahanda na siya para sa lock-in taping ng primetime series na ‘Love of my Life’. 

Aniya, “Kukulangin ata ‘yung tatlo o apat na luggage. Sa box naman, ‘yung mga kagamitan pa lang mismo, ‘yung supplies pa lang, parang nakakaapat na ata ako na medyo malalaki. Kasi nga lock-in kami, bawal lumabas, bawal din na pumunta rin ang kahit sino.”

Dagdag ni Carla, hindi pa rin daw nire-reveal sa kanila ang magiging takbo ng kuwento, “Kami medyo binibitin ng writers ayaw pang i-reveal ang buong kuwento, kung anong mangyayari at kung ano ang ending, pero maraming changes.”

May mensahe naman siya sa mga nami-miss na ang ‘Love of my Life’ sa primetime, “Mga Kapuso nating nabitin sa Love of My Life, itutuloy lang namin ‘yun and promise na gagawin namin ‘yung best namin at maganda pa rin ‘yung bawat episode.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Alden Richards, may surprise para sa fans

Primo, super lambing kay Iya Villania!