in

Andrea Torres, abala sa food business

Nadiskubre ni Kapuso actress Andrea Torres ang kanyang hilig sa pagnenegosyo sa kasagsagan ng quarantine at kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan ang food business na Family Favorites.

Aniya, “Mayroon akong na-discover sa sarili ko na mahilig pala ako mag-business and moving forward, gusto ko pala siyang ipagpatuloy. Nafu-fulfill din ako sa kanya. Maganda rin na na may kinabi-busy-han ako bukod dito sa first love ko na pag-aartista.”

Pagbabahagi pa ng ‘I Can See You’ actress, malaki raw ang naitutulong ng kasintahang si Derek Ramsay sa tuwing nakakaranas siya ng problema sa negosyo, “Lagi naman siyang nadiyan talaga para suportahan ako and ine-encourage ako. Lalo na kapag nagpa-panic ako.”

Binabalanse rin daw ni Derek ang kanyang pagiging perfectionist, “Kasi ano ako, e, parang may pagka-perfectionist ako tsaka lahat pina-plano ko. So, kapag medyo hindi umaayon sa plano, medyo uncomfortable ako diyan. Si Derek ‘yung laging ‘Hindi okay lang ‘yan.’ Kasi si Derek naman, binabalanse niya ako. Very carefree.”

Bukod sa pagiging abala sa food business, nagbalik-taping na rin si Andrea para sa drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’ kung saan makakasama niya sina Paolo Contis, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi. Mapapanood ‘yan simula October 12 sa GMA Telebabad. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mikee Quintos at Mikoy Morales, sumabak sa ‘Totropahin o Jojowain’ challenge

EA Guzman, may clothing line na rin!