in

Alden Richards, may surprise para sa fans

Mukhang may inihahandang sorpresa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa kanyang mga tagahanga kasabay ng kanyang 10th anniversary sa showbiz. 

Inanunsyo ito ni Alden sa pamamagitan ng isang Instagram post: “Malapit na tayong magkasama uli! Save the date: Dec 8! #AldensReality #AldenRoadToTen.”

Samantala, isa si Alden sa mga celebrity ambassador ng “Bida Ang May Disiplina” campaign ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at mga pribadong grupo. Ayon kay Alden, nais niyang magamit ang kanyang impluwensiya para makatulong na matuldukan ang COVID-19 crisis sa bansa. Layunin ng kampanya na ituro at ipaalala ang wastong pag-iingat laban sa virus. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

EA Guzman, may clothing line na rin! 

Carla Abellana, naghahanda na para sa pagbabalik-taping ng ‘Love of my Life’