in

Kate Valdez, mixed emotions sa pagbabalik-taping

Inamin ni Kapuso actress Kate Valdez na magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya sa pagbabalik-taping para sa pinagbibidahang serye na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Dahil ilang buwan na rin silang tumigil sa taping, pabirong inamin ni Kate na tila nakalimutan na raw niya kung papaano umarte. Aniya, “Sa totoo lang, medyo nangangapa po ako. Para akong bumalik sa umpisa, like from the start ng taping day, parang mag-uumpisa pa lang ulit ‘yung show.”

Added pressure rin para sa cast and crew na kailangan nilang matapos ang eksena nang maaga alinsunod sa new normal taping protocols.

Ginagamit na lang daw ni Kate ang ‘pressure’ na ito para mas pagbutihin ang kanyang mga eksena, “Dapat kapag tumungtong ka na sa set, alam mo na ‘yung lines mo para mabilis ‘yung process ‘nung pag-take. Nakaka-pressure po kasi parang ayaw mo na magkamali, sige take na natin ‘to, ayaw ko na magtagal sa set. Nakakakaba!”

Tutukan ang nalalapit na pagbabalik ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’ sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sexy figure ni Andrea Torres, hinangaan ng netizens

Boobay at Tekla, nagtalo sa taping ng ‘TBATS?’