Nagsimula na ang taping ng cast ng upcoming GMA program na “I Can See You”. Kabilang sa bigating Kapuso stars na parte ng bagong handog ng GMA-7 ay sina Asia’s Multimedia Star Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Winwyn Marquez.
Excited itong na-share ni Winwyn sa kanyang fans sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan. Naikuwento rin niya na may takot pa rin siyang nararamdaman sa nakakapanibagong work setup, “I’m leaving this week for a lock-in taping, so ‘di ko alam kung ano i-expect ko at paano ako mag-a-adjust. I just want to be honest. Natatakot ako, siyempre, kasi ‘di ko alam kung papaano kikilos, ‘di ko alam kung maapektuhan ba ‘yung pag-a-acting–it’s all new, e. Siguro, I’ll just take it day by day kung paano ako mag-a-adjust sa work.”
Abangan ang magiging karakter ni Winwyn sa drama anthology “I Can See You” malapit na malapit na sa GMA!