in

Rodjun Cruz, apaw ang saya nang makita ang anak!

Isinilang kahapon, September 10, ang healthy baby boy nina Kapuso actor Rodjun Cruz at Dianne Medina na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III. 

Masayang inanunsyo ng mag-asawa ang magandang balita sa social media at agad itong inulan ng mga congratulatory greetings mula sa fans at kapwa celebrities.

Sa unang photo na ibinahagi ng aktor sa Instagram, inilahad niyang umaapaw ang saya na kanyang nararamdaman, “Welcome to the World Rodolfo Joaquin Diego III. I Love you so much my Son @babyjoaquinilustre! I will hold your hand Forever & guide you every step of the way!”

Thankful sina Rodjun at Dianne sa safe delivery ng kanilang anak at excited na silang iuwi ang baby boy sa kanilang bahay! Congratulations!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mark Bautista, sasalang sa hot seat ng ‘The Boobay and Tekla Show’

Saan nga ba hindi nagkakasundo sina Mavy at Cassy Legaspi?