in

SexBomb Girls, may nilulutong Christmas reunion

Good news para sa fans ng SexBomb Girls dahil may niluluto na Christmas reunion ang grupo

.Ito ang masayang ibinalita ng Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan sa kanyang guesting sa Unang Hirit last Thursday. Ayon sa aktres, pinaplano ng kanilang grupo na magkaroon ng cover ng isang Christmas song para sa kanilang supporters.

Samantala, ibinahagi rin ni Rochelle na enjoy siya sa bonding time kasama ang kanyang mag-ama na sina Arthur Solinap at Shiloh habang naka-quarantine sa bahay. “Mas intimate kasi nakikita namin si Shiloh ‘yung paglaki niya, ‘yung everyday na nangyayari sa kanya. Nasusubaybayan namin,” say ng aktres.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Therese Malvar, masayang pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

Lovi Poe, nanggulat sa fan edit ng movie poster