Nalalapit na ang pagbabalik sa telebisyon ng primetime series na ‘Descendants of the Sun PH’ kung saan ilang araw na nag-lock-in taping ang cast members.
Ayon kay Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado na gumaganap bilang Dra. Maxine, pinaghandaan nilang maigi ang taping.
Kuwento niya, “Nag-Zoom reading kami until the end of the episode para kasado na lahat. We also made sure na nag self-quarantine kami bago sumabak sa taping. Nag-sanitize rin ng lahat ng gamit na inimpake for nine days. Nagdala rin kami ng sariling food and snacks para makasigurong malinis lahat.”