in

John Vic De Guzman, parte na ng GMA Artist Center

May bagong Kapuso hunk na dapat abangan sa GMA Artist Center. Ito ay ang volleyball superstar na si John Vic De Guzman. Kilala bilang Face of Philippine Volleyball, ibinahagi ni John ang saya sa pagiging ganap na Kapuso. “Sobrang excited ‘tsaka hindi ako makapaniwala. Siyempre, isa itong achievement sa life ko, bago mag-retire sa volleyball.”


 
“Sobrang happy ako dahil magkakaroon ako ng chance na ma-improve pa ‘yung acting skills ko at maipakita na ‘yung talent ko not just for sports,” dagdag pa ng celebrity athlete.
 
Bukod sa pagiging atleta, isa ring host at sports analyst si John Vic. Willing din daw siyang subukan ang iba’t ibang roles upang mapalawak ang kanyang kaalaman at karanasan sa pag-arte. Kuwento niya, “For me, anything na puwede ibigay sa akin na role tatanggapin ko. Lahat naman ‘yan, part ng process. Kumbaga kahit sa volleyball kailangan mag-training ka, mag-workshop ka. So, kung ano man ‘yung maibigay sa akin, bibigyan naman ako ng time para mapag-aralan ‘yung mga dapat kong gawin.”
 
Welcome to GMA Artist Center, John Vic!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Netizens, excited sa comeback ng ‘DOTS Ph’

Anthony Rosaldo, may bagong segment sa YouTube!