in

Paolo Contis at Vaness del Moral, excited na sa ‘Just In’ Season 2!  

May official YouTube channel na ang GMA Artist Center na magbibigay-daan para sa mga Kapuso fan na mas mapalapit sa kanilang mga iniidolong celebrities! 

Dito, magbabalik para sa ikalawang season ang online show na ‘Just In,’ hosted by Paolo Contis at Vaness del Moral. Excited na nga ang dalawa sa extended kulitan at bonding sa netizens.

“Tulad ninyong lahat ay naging Wednesday habit ko na rin ang Just In para makapagkuwentuhan at makipagkumustahan sa inyong lahat,” kuwento ni Paolo.

Dagdag naman ni Vaness, “Season 2 na ng Just In and sobrang favorite ko ‘tong show na ‘to dahil dito nakakumusta at nakakausap natin ang mga artistang matagal na nating hindi napapanood sa TV at siyempre ‘yung mga artistang nasa ibang bansa na.”

Ang Just In season 2 ay mapapanood tuwing Miyerkules ng gabi, 8:00 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel! Subscribe na para hindi mahuli!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

KathNiel at iba pang Kapamilya, ipaparinig ang ‘Tinig Ng Mga Nawalan’

Barbie Forteza, inaabangan ang TikTok videos