in

Bagong ‘Wish Ko Lang,’ ibibida ang mga kababaihan ngayong Setyembre

Tuluy-tuloy ang programa ni Vicky Morales na Wish Ko Lang! sa pagpapalabas ng mga bagong episode tuwing Sabado. Ngayong buwan, “Winner September” ang tema ng Kapuso public affairs show kung saan tampok ang apat na kuwento ng mga kababaihang hindi papatalo sa kahit anong laban. Winner din ang mga artistang bibida sa bawat episode tulad nina Glydel Mercado, Rochelle Pangilinan, Arra San Agustin, Thea Tolentino, at Jean Garcia.

Maganda ang feedback na nakukuha ng show at sa nababasa namin sa social media, talaga namang nakaka-antig ang bawat episode ng Wish Ko Lang! Sa dulo ng mga dramatization ay naroon ang pagpapaabot ng programa ng kaunting tulong sa na-feature na indibidwal at sa pamilya nito. Kahit ang viewers, panalo rin sa mga premyong ipinamamahagi ng show sa official Facebook page nito.

Sa Sabado (Sept. 5) na mapapanuod ang episode na pagbibidahan ni Glydel tungkol sa kuwento ng isang inang naanod ang bahay. Makakasama niya rito sina Allen Dizon at Tere Malvar.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Eugene Domingo, may pasilip sa ‘new normal’ taping ng ‘Dear Uge’

‘Lockdown: Food Diaries,’ inaabangan na!