Isang balita ang gumulat sa mga netizens nang marinig na pinakawalan ng ABS-CBN ang Multi-awarded broadcast journalist na si Ted Failon matapos ang 30 taon nitong serbisyo sa Kapamilya network.
Iba’t-iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa social media tungkol sa balitang ito. Mayroong nalungkot sa naging desisyon ng ABS-CBN lalo na at kinalakihan nilang napapanood si Ted sa TV Patrol.
Pero hindi naman lahat nalungkot sa pagkawala ni Ted sa ABS-CBN. Mayroon din namang nagsabi na hindi siya kawalan sa ABS-CBN.
At ang iba ay nagsuggest ng kapalit na sa palagay nila ay mas better pa kay Ted.
Si Ted Failon ay naging parte ng ABS-CBN simula noong 1990 bilang desk editor ng television news, naging DZMM anchor hanggang ito’y maging ganap na “TV Patrol” anchor kasama sina Karen Davila at Julius Babao.
Tuluyan nang namaalam si Ted noong August 31 sa huling araw niya sa kanyang programang “Failon Ngayon sa Teleradyo” .
Subalit, may mga bali-balita rin na si Ted Failon ay lilipat sa Radyo5.