in

Mga atleta, nagpasalamat sa pagiging Kapamilya

Nagpasalamat sa ABS-CBN Sports ang mga atletang naging bahagi nito bilang host o analyst sa mga programa sa S+A at LIGA tulad ng “The Score” at “TBH.”

Sa Zoom farewell ng “The Score,” nagpahayag ng pasasalamat ang mga atleta tulad nina Alyssa Valdez, Charo Soriano, Ayel Estranero, at Anne Remulla na naging bahagi ng programa bilang volleyball analysts. Sabi nila, dahil sa oportunidad na ibinigay ng ABS-CBN Sports, nabigyan sila ng pagkakataon na ipamalas ang kanilang kaalaman sa volleyball at talento hindi lamang sa pagiging manlalaro pero sa ibang larangan din tulad ng broadcasting.

Para sa Ateneo Lady Eagles na sina Alyssa at Charo, nagagalak sila sa tiwala na ibinigay sa kanila para maging volleyball analyst ng mga liga tulad ng UAAP at PVL, at ang oportunidad na maging inspirasyon para sa iba pang atleta.

Kagaya nila, masaya rin si Ayel sa plataporma na ibinigay ng ABS-CBN Sports lalo na para sa mga volleyball player tulad niya.

“Thank you for capturing all the highs and lows of my volleyball career. ABS-CBN Sports played an integral role in my growth as an athlete and a person. Thank you for giving value to me and my talent,” sabi ng UP Fighting Maroon.

Dagdag din ng dating manlalaro ng DLSU na si Anne, mas naging madali ang trabaho niya dahil magaan katrabaho ang mga kasamahan niya sa S+A at marami rin siyang napulot na mahahalagang aral tungkol sa volleyball.

Para naman sa “TBH” squad na binubuo nina Ponggay Gaston, Eya Laure, Mich Cobb, at Rosie Rosier, kahit mabilis lang ang kanilang pagsasama para sa kanilang programa, masaya sila sa pagkakataon na maipamahagi ang kanilang mga pananaw at saloobin sa mga manonood.

Ayon din sa mga naging football player ng DLSU na sina Natasha Alquiros at Marielle Benitez, ang kanilang naging karanasan sa ABS-CBN Sports ay naging malaking bahagi sa kanilang buhay at nagpatibay sa kanilang pagkatao.

Malaki ang naging ambag ng mga atletang ito sa matagumpay na paghahandog ng mga laro at balita sa volleyball at football ng ABS-CBN Sports, na hihinto na ang operasyon matapos hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN. Maaari pang balikan ang mga episode ng “The Score” at “TBH” sa YouTube channel ng ABS-CBN Sports.

Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘My Love From Another Star,’ malapit nang mag-landing sa GMA Network

Ted Failon pinakawalan ng ABS-CBN; kawalan nga ba?