May mensahe ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa mga basher na patuloy na pumupuna sa kaniyang pangangatawan.
“Stop telling me to eat or what I should eat, you’re not my mother. I’m fed up with this kind of people that are trying to shame me into eating more. I won’t. I know my body better than you do. I’m no skin and bones! I am skin and muscles!”, post ni Kris sa IG story niya.
Isa si Kris sa mga celebrity na very vocal sa kung paano nila mine-maintain ang magandang body figure sa pamamagitan ng regular workout routines. Ina-assure rin niya ang mga fan na ayon sa kaniyang doktor ay perfectly healthy siya at sadyang natural na ang kaniyang pagiging petite.
Sa kasalukuyan, abala pa rin si Kris sa pagpapatakbo ng mga negosyo at pagva-vlog para sa kaniyang YouTube channel. Kamakailan lang nga ay nagkaroon siya ng video kung saan diniscuss niya kung paano maa-achieve ang fitness goals ng isang tao. Mapapanood din si Kris sa fresh episode ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado ng hapon.