Sa latest YouTube vlog ni Jak Roberto, special guest muli ang girlfriend na si Primetime Princess Barbie Forteza. Habang nagluluto, nagkaroon ng mini Q&A ang dalawa at natanong ni Barbie kung ano ang pangarap na trabaho ni Jak kung hindi siya artista.
Sagot ng aktor, “Nung bata ako gusto ko maging pilot, kasi naa-amaze ako sa malalaking eroplano. Nung natuto naman ako magluto, kasi tinuturuan ako ng mommy ko, gusto ko maging chef kasi parang feeling ko may skills ako sa pagluluto. Pero nung nandito na ako sa industriya, minahal ko ‘yung trabaho, kumbaga gusto kong pagbutihan at i-develop pa ‘yung craft bilang isang aktor. Kaya ‘yung pangatlo kong choice, artista talaga.”
Para naman kay Barbie, “Gusto kong maging crime scene analyst. Mahilig kasi akong magbasa at manood ng movies na ganoon ‘yung theme. Mas nae-entertain ako dun kesa sa ibang genre. Pangalawa ginusto ko rin maging pastry chef, gusto ko matuto mag-bake. And last, gusto kong gumawa ng wine, magtayo ng winery.”
Samantala, naghahanda na ang cast at production team ng ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ kabilang na si Barbie para sa pagbabalik-taping ng serye sa ilalim ng new normal.