Patuoy sa pagtulong ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa mga estudyanteng nangangailangan. Ngayon nga ay muling mamimigay ng mga tablet ang aktres para sa pagsisimula ng online classes.

Inanunsyo ito ni Heart sa kaniyang Instagram story, “2nd batch soon. Follow me and PH Big Heart for updates.”
Daan-daang mga bata na apektado ng COVID-19 pandemic ang naabutan na ni Heart ng tulong para sa kanilang distance learning simula pa noong Hulyo.