Lalong lumalakas ang hatak ng Kapuso Network pati na sa social media. Ngayon nga ay lampas 20 million na ang followers ng official Facebook page nito na GMA Network.

Marami sa posts at mga pakulo ng page ang naging patok sa netizens tulad ng #KapusoRewind at #KapusoFeels na videos ng mga paboritong eksenang binabalik-balikan mula sa GMA shows. Para rin updated ang Kapuso fans sa mga paborito nilang artista, mapapanood sa nasabing Facebook page ang ‘Kapuso Showbiz News’, ‘Give me 5’ na top 5 list o trivia tungkol sa Kapuso stars, at pwede ring maki-hang out virtually sa ‘Kapuso Artistambayan’. Plus, mayroon pa silang pa-workout videos para lalo tayong maengganyong gumalaw-galaw kahit nasa bahay.
Ilan lang ang mga ito sa mga pakulo na makikita doon kaya naman i-like n’yo na rin ang GMA Network Facebook page para lagi kayong updated.